KARAMBOLA SA KONONADAL 3 PATAY 20 ANG SUGATAN

Koronadal City Police Station bilang simbolo ng pagluluksa nila sa nangyaring aksidente na ikinamatay ng tatlong mga pulis at sugatan ng 20 na katao sa pagkarambola ng kotse,van at dumptruck na may sakay na bagong alagad nang batas sa Silway 8, Polomolok, South Cotabato.



ito ang tatlong nasawi na sina SP02 Henry Baliao ng Tupi MPS at SP02 Romar Vistavilla at SPO2 Arnel Jales na kapwa nakadestino  sa Koronadal City Police Station na nakasakay sa kotse.Lima sa 20 na mga sugatan ay mga bagong alagad nang batas na nakasakay naman sa dumptruck na pagmamay-ari ng city government ng Koronadal.




ayon kay Police Senior Inspector Herman Gabat,  officer in charge ng Polomolok Municipal Police Station , nag-overtake ang kotse na minamaneho ni Jales sakay ang dalawang pasahero nito na sina Baliao at  Vistavillas  sa dumptruck.

Subalit  nasagi ng kotse ang dumptruck dahilan upang mabunggo ito ng kasalubong na pampasaherong van na papuntang General Santos City.Sa ngayon inaalam pa ang mga pangalan at ilang mga biktima na idinala sa iba't -ibang ospital South Cotabato.

0 comments:

Post a Comment