Kalunos-lunos ang sinapit ng isang menor-de-edad na babae matapos gahasain at patayin ng kanyang tiyuhin noong Pebrero 14 taong kasalukuyan, sa Brgy. Cagay siyudad ng Masbate.
Kinilala ni Police Senior Inspector Alvaro Ventabal ng Police Community Relations (PCR) Office, Masbate City ang biktima na si Mariah Aira Poe Dalanon, 17 anyos, Grade 10 student ng Alejandro Delos Reyes Integrated High School (ADRIHS) at residente ng Barangay Cagay sa Masbate, samantala ang suspek ay kinilalang si Amador Dalanon Cos, 32 anyos, may live-in partner at residente ng Purok 1, Brgy. Cagay sakop ng Masbate.
Sa salaysay ni Rovelyn Dalanon Cos, 39 anyos, ina ng biktima at kapatid ng suspek, petsa 14 ng Pebrero taong kasalukuyan, dakong alas 5 ng hapon nang hindi na nakauwi pa ang biktima.
Kinaumagahan ay agad na inireport sa pulisya,ng ina nang biktima ang pagkawala ng anak na si Mariah Aira Poe Dalanon.Makalipas ang dalawang araw, dakong alas 7:00 ng umaga, nang matagpuan ang wala nang buhay niyang anak, nakasubsob sa putikan, sa ilog ng Purok 6 Brgy. Cagay.ito ay Agad na dinala sa Pipo's funeral parlor ang bangkay para sa otopsiya.
Hinuli din agad ng pulisya,ang suspek sa tulong ng barangay tanod.Sa salaysay ng isang testigo, ang suspek umano ang huling nakitang kasama ng biktima.Ayon kay SPO1 Arlene Jones, Chief ng Women and Children's Protection Desk (WCPD), Masbate City ay inamin na rin ng suspek ang kanyang ginawa.
Ayon sa suspek, sinakal raw niya ang biktima, at kahit patay na ito ay kanya pa raw itong ginahasa.Nahaharap na ngayon sa kasong Rape with Homicide ang nasabing suspek.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment